Thursday, September 8, 2011

back to reality!

magisisimula na ulit ang drama ng buhay ko!ano ba ang dapat gawin? ang tama pero di kumpleto o ang mali na kumportable at payapa?ako ba talaga ang dapat sisihin sa lahat ng mga paghihirap?

Friday, August 19, 2011

*-*

ngayon ang alis nila para magbakasyon...malulungkot ba ako o matutuwa? honestly, kahit mali sasabihin kong natutuwa ako...pero syempre may konting lungkot kasi kahit papano gusto rin makapagrelax pero di ko magagawa yun kung pareho tayong uuwi. Parang mali na mas gusto ko na kayo na lang ang umuwi pero di mo naman ako masisisi. kahit na napabayaan ako...kahit na marami akong sama ng loob di ko pa rin maiiwasan na alalahanin sila...alam ko masaya ang buhay nyo kahit na hirap kayo sa buhay...pero di dahilan yun para lagi na lang maging comparison...hangggang kelan tayo ganito?

Sunday, July 10, 2011

bakit ganon?

Ganito ba ang gusto mo? Pareho tayong nagtatrabaho at pagod pero bakit ikaw lang lagi ang aalalahanin. Wag naman sana. Sana mnaisip mo pareho lang tayo.

Monday, June 13, 2011

eto na naman...

Nagsisimula ka na naman....lagi na lang ganito!

Thursday, March 24, 2011

:(

Akala ko magiging ok na ko. Akala ko lilipas din ang sama ng loob ko. Hindi pala. Hindi pala ganun kadali yun. Kahit ano pang positibong dahilan ang isipin ko, hindi ko pa rin matanggap at maintindihan kung bakit. Gusto kong maniwala sa paliwanag nila na walaa akong karanasan tulad ng sa kanya kaya di ako napili. Hindi naman ako humihingi ng bagong pangalan o posisyon. I just want to get what I think I deserve.

Sunday, March 20, 2011

bakit ganon?

bakit ganon? bakit laging issue ang mga pangangailangan mo? mga pagkukulang ko? bakit laging ikaw? paano naman ako? may pangangailangan din ako? may pagkukulang ka din? pero bakit kailangan ako ang laging magpuno? ako ang laging umintindi? pano naman ako?

Saturday, March 19, 2011

more wisdom and more strength

I know I have survived most of the hardships in my life. Again, it is one of those times once more and all I ask is for more wisdom to understand why these things happen and more strength to survive these difficult times.

Tuesday, March 1, 2011

Pagmunimuni...

Matagal-tagal na rin akong di nakakasulat dito. Marami ng nangyari. Bakit nga ba huminto ako sa pagsusulat dito? Siguro kasi masyado ng maraming nangyayari at di ko alam kung pano ko sisisimulan; o baka sadyang tinatamad lang ako? Hahaha. Malamang pareho. Kahit paano naman nakkatulong ito para mabawasan ang kadalasang inis na nararamdaman ko. Di bale sisimulan ko na ulit ang pagsusulat, malay mo makabuo ako ng nobela.

Wednesday, January 5, 2011

its that time again....

Haynaku!!!

Its that time again...pressure sa maraming bagay...sana ay malampasan ko ito with flying colours. May nabibili kayang peace of mind?

Monday, January 3, 2011

2011

Bagong taon...bagong pag asa...

Marami akong dpat ipagpasalamat sa nakalipas na taon. Marami ring di magagandag pangyayari na dapat ng kalimutan.

Magsisimula ko ng taon na puno ng pag-asa...at sana umayon ito para sa akin...